What did you feel whenever you forced to laugh a lot while
you are intensely sad? Oftentimes, you tend to show happiness under the gloomy
weather of your lives. You did it to
show that despite of suffering you are able to laugh and neglect the pain. But choosing to be fine and happy is never the
same as pretending to be one.
Sabi nila being happy daw is a matter of choice. But it doesn’t mean that you need to fake
it. Okay lang namang maging malungkot once you feel na malungkot ka diba. Wala namang nagbabawal
noon . You just need to accept that in some part of your journey, loneliness
will always be there to embrace you. Ngunit
dahil sa epekto ng kalungkutan sayo, you are trying to push it away.Tumatawa ka
ng malakas just to scape from this feeling and inform people that you are
able to manage things.
But the more you deny
what you actually feel, lalo ka
lamang bumabaon sa kadilimang pilit mong tinatakasan. Mamamalayan mo na lang na
lalong bumibigat ang iyong pakiramdam at umaabot pa sa puntong gusto mo nang
maiyak. Kadalasan, sinasabi mong tears of joy
kahit tears of pain talaga ito.
Bakit mo ba patuloy na pinahihirapan ang sarili mo?
Malungkot ka na nga lalo mo pang pinalala ang nararamdaman mo.Wala namang
masama na magpakalungkot paminsan minsan diba.
Natural sa tao na maging malungkot. The more you hide your feelings, the more
people noticed it. Maaring ayaw mong
kinaaawaan ka. Pero sa pagsasabi mo na
“I’m okay” while forcing to laugh aloud, mas magiging malungkot ka at magmumukhang
kaawaawa sa paningin nila.
Ang kalungkutan, katulad ng lahat,ay lumilipas.Hindi ito
permanente. Kaya pagmalungkot ka damhin
mo lang. Umiyak o sumigaw ka kung
kinakailangan. Wala namang nagbabawal sayo na gawin ang lahat ng yon. Tandaan mo lang na tumitila ang ulan at
laging nag-aabang ang mainit at maliwanag na sikat ng araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento