Miyerkules, Mayo 20, 2015

SUNSET




Maaring malungkot tayo sa paglipas ng mga bagay gaya na lang ng pagpapaalam ng araw tuwing dapit-hapon. Sa pagkawala ng taglay nitong liwanag, maaring mamayani sa’tin ang lungkot,pag-iisa at pagkakulong sa kadiliman. Ngunit tulad ng gabi,may mga dumarating na gabay na nagsisilbing dahilan kung bakit nagagawa nating makakita at mahanap ang tamang landas para sa’tin. Maaring maging matamlay ang ating mundo sa pagkagat ng dilim.Ngunit di natin napapansin na sa mga oras na nakakulong tayo sa malabangungot na aninong ito, nagagawa nating makaipon ng lakas.  Ito ang dahilan kung bakit kada pagsapit ng umaga, mapapansin nating puno tayo ng enerhiya at sigla.  




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento